Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sawang-sawa na ang mga Pilipino sa politika.
Batay aniya ito sa resulta ng katatapos lamang na May 12 elections.
Sinabi ng Pangulo na pahiwatig ito na tama na ang pamumulitika at taumbayan naman ang asikasuhin ng mga inihalal na opisyal.
Tinukoy din ni Marcos ang pagiging dismayado ng publiko sa mabagal na serbisyo ng gobyerno.
Aminado ang Punong Ehekutibo na hindi maramdaman ng taumbayan ang serbisyo ng pamahalaan dahil masyadong mabagal ang galaw ng pagbuo ng mga proyekto.