dzme1530.ph

Subsidiya sa mga GOCC, tumaas ng halos 55% noong Marso

Loading

Lumobo ng 54.69% ang subsidiyang ipinagkaloob sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) noong Marso.

Ayon sa Bureau of Treasury, umakyat sa ₱10.63-B ang budgetary support sa mga GOCC noong ikatlong buwan mula sa ₱6.87-B noong March 2024.

Mas mataas din ito 40.35% mula sa ₱7.57-B noong Pebrero.

Ang state-owned firms ay tumatanggap ng buwanang subsidiya mula sa national government upang suportahan ang kanilang arawang operasyon kung hindi sapat ang kanilang kita.

Ang  tumanggap ng pinakamalaking subsidiya noong Marso ay ang National Irrigation Administration (NIA) na nasa ₱3.79-B o 35.69% ng kabuuang subsidies.

About The Author