Medyo may pagka-bayolente ang tugon ni Vice President Sara Duterte nang sabihing nais niya ng “bloodbath” sa kanyang impeachment trial.
Reaksyon ito ni PCO Usec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kasabay ng pagsasabing umaasa siya na figure of speech lamang ito ng bise presidente.
Una nang inihayag ni VP Sara na inaabangan na niya ang kanyang impeachment trial sa nalalapit na 20th Congress dahil niyang magkaroon ng “bloodbath” o pagdanak ng dugo.
Binigyang diin din ni Duterte na naka-“full throttle” ang kanyang legal team sa ginagawa nilang paghahanda.
Magsisimula ang impeachment trial ni VP Sara sa July 30.