dzme1530.ph

Tagumpay sa eleksyon, ibinabahagi ni Sen. Go kay dating Pangulong Duterte

Loading

AMINADO si Senador Christopher Bong Go na ang kanyang tagumpay sa nakalipas na halalan ay hindi lamang niya personal na achievement kundi tagumpay kasama ang kanyang tinatawag na mentor na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sa official final tally na inilabas ng Comelec bilang National Board of Canvassers, si Go ang numero unong nanalong senador na nakakuha ng mahigit 27 milyong boto.

 

Sinabi ni go na kung hindi dahil kay Duterte, wala siya ngayon sa public service.

 

Aminado rin si Go na hindi naging madali sa kanila ang pangangampanya sa nakalipas na halalan lalo’t hindi nila kasama ang kanilang biggest endorser na si dating Pangulong Duterte.

 

Nagpasalamat si Go sa mga taong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya kasabay ng pangakong hindi niya bibiguin ang mga ito.

 

Samantala, patuloy ang paghahanda dito sa Tent City sa Manila Hotel para sa isasagawang proklamasyon ng mga nanalong senador mamayang alas-3 ng hapon.

 

Doble higpit na rin ang seguridad na ipinatutupad sa paligid ng Manila Hotel upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan.

About The Author