dzme1530.ph

Impeachment trial vs VP Sara, hindi magiging circus sa pagpasok ng mga bagong halal na senador

Loading

Tiwala si Senate President Francis Escudero na hindii magiging circus ang mangyayaring impeachment trial sa pagpasok ng mga bagong halal na senador.

Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Escudero na batay sa mga inisyal na resulta ng halalan, lima sa mga nanalong senador ay reelectionist, apat ang mga dating senador at tatlo ang mga kongresista.

Sinabi ni Escudero na mga beterano at batikan na sa mga legislation ang mga ito kaya’t alam na rin ang parliamentary rules kaya’t inaasahan niyang magiging maayos ang proseso.

Kasabay nito, sinabi ng senate leader na kung sinuman ang magpepreside, lalo na kung mananatiling siya ang mangunguna ay titiyakin niyang mapayapa, maayos at maiintindihan ng tao ang proseso.

Tumanggi naman si Escudero na pangunahan ang magiging stand ng bawat papasok na senador kasabay ng paalala na ang anumang pre-game analysis ay maaaring mainterpreta na panghuhusga.

Muli rin siyang nanawagan sa mga senador at mga papasok na senador na iwasang magkomento kaugnay sa impeachment complaint lalo na kung hindi pa nailalatag ang mga ebidensya.

About The Author