Dalawang pulis ang patay matapos tamaan ng kidlat habang naka duty sa loob ng kampo sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro, kahapon.
Ayon kay PCpl Fernan Macuha, nagsasagawa ng roving ang dalawang biktimang kinilala na sina Patrolman Laudelino Samarita Lomio, 31 years old, at si Patrolman Ruzzel Jay Ferrer Fontarum, 30 years old, na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion Headquarters sa nasabing bayan ng tamaan ng kidlat sa motorcycle parking area ng kampo.
Nangyare ang insidente sa pagitan ng 10:30 hanggang 11:30 ng gabi habang kasagsagan ng malakas ng buhos ng ulan.
Saktong nagroroving din si Patrolman John Cyril Hilario ng mapadaan ito sa lugar at nakita ang dalawang biktima na nakabulagta sa semento.
Dito agad na humingi ng tulong sa ibang kabaro ang pulis upang dalhin sa Mindoro Medical Center ang dalawang biktima pero idineklara silang dead on arrival.