dzme1530.ph

NTC, sinuspinde ang network repairs and maintenance hanggang May 14 kaugnay ng Eleksyon

Loading

Sinuspinde ng National Telecommunications Commission (NTC) ang major network repairs at maintenance works simula kahapon, May 5 hanggang 14 para sa 2025 National and Local Elections.

Sa ilalim ng Memorandum Order, inatasan ang Public Telecommunications Entities (PTEs) at internet service providers na ipagpaliban ang kanilang repairs at maintenance works para sa tuloy-tuloy na connectivity sa buong bansa sa halalan.

Ipinag-utos din sa PTEs at service providers na tiyakin na lahat ng network installation, repairs, at maintenance works ay nakumpleto na noong May 3.

Gayunman, pinapayagan ang emergency repairs sa ilalim ng mahigpit na protocol, basta mananatiling naka-full operational alert ang providers.

About The Author