dzme1530.ph

Comelec, hiniling sa Palasyo na ideklarang Holiday ang May 12 para sa Halalan 2025

Loading

Nanawagan ang Comelec sa Palasyo na ideklara ang May 12 bilang holiday upang mabigyang ng pagkakataon ang mga rehistradong botante na makaboto sa Halalan 2025.

Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na bagaman ang mga nakalipas na eleksyon ay idineklarang special non-working holidays, kailangan pa rin aniya ng deklarasyon mula sa Office of the President.

Matatandaan na noong 2022, idineklara ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng presidential elections bilang special non-working holiday.

About The Author