Mahigpit na nakamonitor ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa target nitong makumpleto ang Kaliwa Dam project sa katapusan ng 2026.
Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, 22% nang kumpleto ang konstruksyon ng proyekto kung saan umabot na sa higit 300 meters ang nahuhukay sa tunnel.
Ani Cleofas, kritikal na bahagi ng konstruksyon ng Kaliwa Dam ang tunneling dahil nasa 22 kilometers ang sakop nito.
Umaasa naman ang MWSS na makakapasok na ang construction team sa mismong Dam Site para sa mobilisasyon ng mga kagamitan pagsapit ng ikatlong kwarter ng taon.
Nabatid na ang centennial Kaliwa Project ay bahagi ng Water Security Roadmap na target na maging operational sa unang bahagi ng 2027 at makatugon sa tumataas na demand sa suplay ng tubig sa mga konsyumer sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.