dzme1530.ph

Umano’y Labor trafficking sa 35 mangingisdang Pinoy sa Namibia, pinaiimbestigahan

Hiniling ng Department of Migrant Workers sa Department of Justice at sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na imbestigahan ang umano’y Labor Trafficking sa 35 Pilipinong mangingisda sa Namibia.

Ayon kay DMW secretary Susan Ople, batay sa testimonya ng 26 na umuwing Pinoy, pinaniwala sila na sa Taiwan sila magta-trabaho subalit nauwi sila sa pangingisda sa Namibia kung saan 36 na oras silang diretsong nagta-trabaho, dalawang beses lang pakainin sa isang araw, at apat na oras lamang kung patulugin.

Idinagdag ni Ople na kinuha rin mula sa mga manggagawa ang kanilang identity papers, kabilang na ang kanilang passports at seamen’s book, na malinaw aniya na paglabag sa kanilang karapatan.

Inihayag din ng Kalihim na nagtungo na sa DMW ang dalawang agencies at binayaran na ang back wages ng mga naagrabyadong mangingisda.

About The Author