Magpapakalat ng mahigit 77K pulis ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng programa ng Public Safety Plan sa tatlong buwang “Summer Vacation Oplan (SumVac).
Ayon kay PNP chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., maglalatag ang PNP ng mga Police Assistance Desks sa para mapabilis ang pag-responde sa pangangailangan ng publiko.
Ang Oplan SumVac ay taunang ginagawa ng PNP katuwang ang ilang civic groups gaya ng Kabalikat Civicom upang umalay sa mga biyaherong uuwi sa mga lalawigan.
Inaasahang dadagsa ang mga pasahero ngayong Semana Santa kung kaya’t nanawagan din ang PNP chief sa publiko na makipag-cooperate sa mga otoridad para maging maayos at ligtas ang kanilang pagbiyahe.