dzme1530.ph

426 nasawi sa rabies noong 2024, ayon sa DOH

Loading

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop laban sa rabies taon-taon.

Ito’y matapos pumalo sa record-high na 426 ang rabies-related deaths noong nakaraang taon.

Sa datos na inilabas ng ahensya, mula sa kabuuang bilang, 193 o 45% ng mga nasawi ay kinagat ng alagang hayop, na karaniwan ay aso o pusa.

Sa total rabies cases, 41% ay bunsod ng unvaccinated pets habang 56% ay kinasangkutan ng mga hayop na hindi tiyak ang vaccination status.

Pinakamataas ang rabies cases noong 2024 sa Central Luzon na may 56; Soccsksargen, 43; at Calabarzon, 35.

Ayon pa sa DOH, sa nakalipas na limang taon, ay kabuuang 1,750 na ang mga Pinoy na namatay dahil sa rabies.

About The Author