Nag-donate ang South Korea ng 400 metric tons ng bigas sa Pilipinas para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha at landslides sa Mindanao.
Tinanggap ng Dept. of Agriculture ang milled rice mula sa Korea – Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs.
Ipamimigay ito sa 10,000 pamilya sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Davao Region, na naapektuhan ng Low-Pressure Area, Northeast monsoon, at Shear line.
Nagpasalamat naman si D.A Senior Usec. Domingo Panganiban sa South Korean Gov’t kasabay ng pagsasabing napakahalaga ng agarang pagbibigay ng pagkain bilang bahagi ng disaster response.
Idinagdag pa ni Panganiban na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tumatayong Agriculture Sec., ay tinitiyak ang food security para sa lahat, lalo na para sa mga komunidad na pinaka-tinamaan ng mga kalamidad.