dzme1530.ph

DA, hahabulin ang mga smuggler ng misdeclared shipment mula sa China

Loading

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na hahabulin nila ang nasa likod ng ₱202-M na halaga ng frozen fish shipment na idineklara bilang plant-based commodities mula sa China.

Ginawa ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel ang pahayag matapos pangunahan ang pagsusuri, kasama ang Bureau of Plant Industry at Bureau of Customs, sa 2 mula sa 19 na 40-footer vans na naglalaman ng frozen mackerels sa South Harbor sa Port of Manila.

Sinabi ni Laurel na ang mga nasa likod ng misdeclared shipment ay maaring panagutin sa ilalim ng batas para sa “outright smuggling.”

Idinagdag ng kalihim na malinaw din na pasok ang nasabat sa bagong Anti-Economic Sabotage Act, dahil ang halaga ng naturang smuggled goods ay mahigit ₱200-M.

About The Author