dzme1530.ph

Rep. Wilbert “Manoy” Lee, umatras sa 2025 senatorial race

Loading

Isang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng kampanyahan para sa midterm national elections, pormal na inanunsyo ni Cong. Wilbert Manoy Lee ang pag-atras sa senatorial race.

Sa pulong balitaan sa Maynila, inamin ni Manoy Wilbert na isa itong mabigat na desisyon para sa kanya, pamilya, partido at campaign team.

Pangunahing dahilan ng pag-atras nito sa kandidatura ay ang kakulangan ng sapat na oras at makinarya para maabot ang maraming kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagpasalamat si Manoy sa mga taong naniwala sa kanyang adbokasiya kabilang ang mga gobernador, kapwa kongresista, mayor at iba’t ibang samahan ng magsasaka, mangingisda, volunteers at sambayanan.

Gayunman, hindi umano nagtatapos sa pag-atras nito sa Senate race ang kanyang adbokasiya dahil magpapatuloy ito sa pribadong kapasidad.

About The Author