Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa umanong love scam hub sa Makati City na gumagamit ng Artificial Intelligence (AI) mang-akit ng mga biktima mula sa Europe at Middle East.
167 Pilipino at 2 Chinese ang dinakip sa operasyon, kung saan nahuli sa akto ang mga suspek habang nagsasagawa ng scamming activities.
Natagpuan ng mga awtoridad ang mga script sa desktops at nadiskubre rin ang mobile phones na automated para makipagpalitan ng mensahe sa mga biktima, pati na unregistered sim cards.
Ikinagulat din ng NBI personnel ang paggamit ng AI para makapag-generate ng makatotohanang mukha na kakausap sa mga biktima sa video calls.