Sa gitna ng sunud-sunod na Oil price hike, binuhay ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino ang panawagang alisin muna ang 12% Value Added Tax (VAT) sa kuryente at mga produktong petrolyo.
Ayon kay Tolentino, magkapatid ang produktong petrolyo at ang kuryente dahil sa oras sa tumaas ang presyo ng langis, tiyak na tataas din ang babayaran ng mga consumer sa konsumo ng kanilang kuryente.
Gayunman, aminado ang Senador na hindi madaling gawin ang kanyang pagnanais na tanggalin muna ang VAT sa kuryente at langis dahil kinakailangang baguhin muli ang batas upang maisakatuparan ito.
Ipinaliwanag ni Tolentino na upang mangyari ito, kinakailangan munang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na isang batas sa Pilipinas na nagre-regulate sa industriya ng elektrisidad, kasama ang National Revenue Code. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News