Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ni Mary Jane Veloso, na matagal ginawa ng Indonesia.
Ito ay kasabay ng pag-welcome ng Pangulo sa pag-uwi sa bansa ni Veloso matapos ang mahigit isang dekadang pagkakakulong sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
Ayon kay Marcos, titiyakin ng justice at law enforcement sector ng Pilipinas ang kaligtasan at kapakanan ng Pinay, na matagal pinangalagaan ng Indonesian counterparts.
Kasabay nito’y ipinabatid ng Pangulo ang pagkagalak sa Indonesian gov’t at sa lahat ng tumulong kay Veloso.
Ang paglipat umano sa Pilipinas sa kustodiya kay Veloso ibinunga ng matatag na pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News