Kumpiyansa ang Department of Finance (DOF) na malalagpasan ang revised goal para sa revenue collection ngayon taon.
Ayon sa DOF, ang total revenue collection para sa 2024 ay inaasahang lalago sa ₱4.42 trillion, na lagpas sa full-year target.
Noong Dec. 2 ay itinaas ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang revenue collection goal ngayong taon sa ₱4.38 trillion mula sa ₱4.27 trillion.
Ibinida rin ng ahensya na nakapag-generate sila ng karagdagang kita para pondohan ang national budget nang walang ipinatutupad na mga bagong buwis. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera