Pinag iingat ng Philippine National Police ang publiko sa kanilang mga online na transaksyon ngayong yuletide season.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, mahalaga ang pagiging mapagmatyag at ang pag-iwas sa pag-click sa mga ‘suspicious links’ upang hindi maloko ng online scammers.
Pinaalala din ng PNP Chief na dapat ding iwasan ang malalaking cash transactions online upang mabawasan ang panganib ng biktima ng mga sindikato.
Patuloy umano ang pagtutok ng PNP-Anti Cybercrime Group sa pagsugpo ng mga online scams. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News