dzme1530.ph

Abogado ni Apollo Quiboloy at tatlong iba pa, naghain ng counter-affidavit sa sedition complaint sa DOJ

Nagsumite ang legal counsel ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at iba pang personalidad ng kanilang counter affidavit sa reklamong sedition at inciting to sedition na isinampa laban sa kanila sa Department of Justice.

Sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Israelito Torreon na kinatawan niya ang kanyang sarili sa DOJ, dahil isa siya sa mga respondent sa kaso.

Noong Oktubre ay nagsampa ng reklamo si Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, Acting Director ng Criminal Investigation and Detection Group, kaugnay ng pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy noong Agosto sa KOJC Compound sa Davao City.

Kabilang sa respondents ay ang Sonshine Media Network International (SMNI) broadcast personalities na sina Lorraine Badoy at Jeffrey Celis, pati na ang vlogger na si Banat By. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author