dzme1530.ph

Transfer order sa Correctional, maaaring kwestyunin ni OVP Usec. Zuleika Lopez sa Korte

Karapatan ni Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff, Usec. Zuleika Lopez na kwestiyunin sa Korte ang transfer order sa kanya ng Kamara patungong Correctional Institute for Women.

Pahayag ito ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President, Atty. Domingo Cayosa, kung sa paniniwala ni Lopez ay hindi makatwiran ang hakbang ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Sinabi ni Cayosa na dapat din namang maipaliwanag ng komite kung bakit naglabas sila ng transfer order.

Binigyang diin ng dating IBP President na dapat iwasan ng pamahalaan na magkaroon ng “constitutional crisis” na maaaring mangyari dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng co-equal branches, gaya ng executive at legislative.

Iniimbestigahan ng house panel ang umano’y maling paggamit ng ₱612.5 million na confidential funds ng OVP at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author