dzme1530.ph

DFA sec. Manalo biyaheng Italy, para dumalo sa G7 ministerial meeting

Biyaheng Italy ngayon araw si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo para lumahok sa Group of Seven Ministerial Meeting sa Nobyembre 25-26 2024.

Si Manalo kasama ang foreign counterparts nito sa Italy, Canada, France, Germany, Japan, United Kingdom at United States ay nakatakdang magpulong upang pag-usapan ang isyung pangseguridad sa Indo-Pacific region.

Makikipagpulong din ito kay Vatican Secretary for Relations with States and International Organizations Archbishop Paul Gallagher.

Bukod dito makikipagkita din ang kalihim kay Food and Agriculture Organization (FAO) Director General Qu Dongyu, dadalo rin ito sa launching ng Mirei Exhibit, haharap sa Filipino Community members, at magbibigay ng lecture sa Sapienza University of Rome. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author