dzme1530.ph

Apollo Quiboloy, sumailalim sa medical tests sa Philippine Children’s Hospital

Kinumpirma ng PNP na dinala si detained religious leader Apollo Quiboloy sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) mula sa Philippine Heart Center kung saan ito naka-confine.

Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na dinala sa Philippine Children’s Hospital si Quiboloy para sa iba pang mga pagsusuri na kailangan para sa medical tests nito na wala sa Heart Center.

Inihayag ni Fajardo na ang paglipat kay Quiboloy ay alinsunod sa Court order, at pagkatapos naman aniyang maisagawa ang tests ay ibinalik agad ito sa pinanggalingan nitong ospital.

Mananatili si Quiboloy sa Heart Center hanggang bukas at kailangang ibalik sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ng ala-5 ng hapon, alinsunod pa rin sa kautusan ng Korte. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author