dzme1530.ph

Pag-alma ng China sa Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Law, hindi na ikinagulat ng Pangulo

Hindi na ikinagulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-alma ng China sa ipinasang Philippine Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Law.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos ibabala ng China na ang ipinasang dalawang batas ay maaaring magpalala ng tensyon sa karagatan.

Gayunman, nanindigan si Marcos na kailangang patuloy na protektahan ang soberanya at sovereign rights ng bansa.

Mahalaga rin umano ang dalawang batas dahil ito ang tumutukoy sa boundaries o teritoryong nasasakupan ng Pilipinas.

Mababatid na tinawag na iligal at invalid ng Chinese Foreign Ministry ang umanoy tangkang pag-whitewash ng Pilipinas sa illegal claims at mga aksyon sa South China Sea, at ipinatawag na rin nito ang Ambassador ng Pilipinas sa China. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author