dzme1530.ph

Kampo ni Sen. Gatchalian, naglabas ng paglilinaw kaugnay sa kontrobersyal na SUV na may plate number 7

Muling naglabas ng paglilinaw ang kampo ni Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay sa nag-viral na SUV na may protocol plate number 7 na dumaan sa EDSA bus way.

Binigyang-diin ni Ahna Mejia, Director for Media Affairs and Communications sa tanggapan ng senador, na hindi ang mambabatas ang sangkot sa insidente.

Iginiit pa ni Mejia na walang Cadillac Escalade ang senador at ang behikulo ay nakarehistro Orient Pacific Corporation.

Hindi rin aniya pag-aari ng senador ang pekeng protocol plate ng SUV.

Bukod pa rito, wala aniyang koneksyon ang mambabatas sa Orient Pacific Corporation.

Mismong ang senador naman ang nagkumpirma ngayon na hindi niya ipinahihiram kahit kanino ang kanyang plaka.

Ang official license plate aniya ay nakakabit sa kanyang sasakyan na nakarehistro sa LTO.

Una rito, sinabi ni Gatchalian na hindi niya kinukunsinti ang mga paglabag na nagawa ng SUV. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author