dzme1530.ph

2 araw na special job fair para sa POGO workers, kasado na, ayon sa DOLE

Kasado na ang panibagong special job fair para sa mga POGO worker na nawalan ng trabaho, ayon sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR).

Sa social media post, inanunsyo ng kagawaran na gaganapin ang dalawang araw na event sa Nov. 19 at 20, simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, sa SM Mall of Asia Music Hall, sa Pasay City.

Hinikayat ang mga interesadong aplikante na ihanda ang kanilang pre-employment documents, kabilang ang resume at iba pang requirements.

Noong nakaraang buwan ay nagsagawa rin ang DOLE ng magkasabay na special job fairs sa Paranaque City at Makati City, kung saan 13,744 employment opportunities ang inalok ng mahigit 100 employers. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author