dzme1530.ph

House Panel, nagdesisyon na sa pagkabigo ni Cong. Arnolfo Teves Jr. na bumalik sa bansa

Nagdesisyon na ang House Committee on Ethics and Privileges kaugnay ng pagkabigo ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na bumalik sa bansa kahit na expired na ang ibigay na Travel Authority sa kanya ng Kamara.

Sinabi ng Committee Chair at COOP-NATCCO Representative Felimon Espares, na unanimous ang kanilang naging desisyon at pag-uusapan na lamang ito sa plenaryo.

Ayon sa mambabatas, binigyan nila ng sapat na panahon si Teves para mag-ulat sa kamara  na binanggit na hindi lamang ang panel kundi si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang humihimok sa kanya na umuwi.

Ayon sa Rules, maaaring i-censure o i-reprimand ang isang kongresista sa pamamagitan ng boto ng mayorya ng mga miyembro.

Kung ang parusa ay suspensyon o pagsibak ang kailangang boto ay two-thirds (2/3) ng mga miyembro kamara. Kung suspensyon naman ay hindi maaaring lumagpas ng 60 araw

About The Author