dzme1530.ph

5 pugot na bangkay, natagpuan sa gilid ng kalsada sa Mexico

Limang katawan ng lalaking walang ulo ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Central Mexico, na kontrolado ng makapangyarihang Jalisco New Generation Cartel.

Rumesponde ang mga Pulis sa kalsada malapit sa Bayan ng Ojuelos, sa Jalisco State, matapos mamataan ng mga dumadaang driver ang mga plastic bag kung saan nakasilid ang mga bangkay.

Inaalam pa ng mga forensic expert ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ang brutal na pamamaslang at pagtatapon ng mga bangkay sa mga pampublikong lugar ay malinaw na indikasyon na may kinalaman sa krimen ang drug cartel. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author