Inaasahang mas kaunti ang mga bagyong tatama sa bansa ngayong taon dahil sa El Niño.
Ayon sa PAGASA, posibleng umiral ang El Niño o ang pagtaas ng temperatura sa Pacific Ocean sa Hulyo.
Una nang inanunsyo ng State Weather Bureau ang pagtatapos ng La Niña, na nagdulot ng mas maraming bagyo sa nakalipas na taon.
Ipinaliwanag naman ni PAGASA Administrator Vicente Malano na kahit mayroon nang El Niño ay iiral pa rin ang epekto ng La Niña na maaring magresulta ng above-normal rainfall conditions sa ikatlo at ika-apat na quarter ng 2023.