dzme1530.ph

7 kasabwat umano ni Alice Guo, sumuko sa NBI

Pitong kasabwat umano ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang sumuko sa mga awtoridad, ayon sa National Bureau of Investigation.

Sinabi ni NBI Dir. Jaime Santiago, na lima ang sumuko sa NBI Central Luzon habang dalawa sa Task Force Alice Guo.

Sa press conference, tinukoy ni Santiago ang mga naturang personalidad na responsable sa Hongsheng Incorporators at Zun Yuan Incorportators, na masasabi aniyang mga bogus corporation ng dating alkalde.

Noong nakaraang linggo ay naglabas ang Pasig Regional Trial Court Branch 167 ng warrants of arrest laban sa mga co-accused ni Guo sa non-bailable case na qualified human trafficking.

Idinagdag ng NBI chief na lahat ng sumuko ay iginiit na nagamit lamang sila, subalit malalaman aniya ang katotohan kapag isinalang na ang mga ito sa paglilitis. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author