dzme1530.ph

Transport strike ng PISTON at MANIBELA, umarangkada na

Tinaya ni MANIBELA President Mar Valbuena sa 20,000 indibidwal ang lalahok sa kanilang transport strike, kasama ang Grupong PISTON, simula ngayong araw hanggang bukas.

Ikinasa ng dalawang transport groups ang dalawang araw na tigil-pasada para muling tutulan ang Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno.

Inihayag naman ng Grupong PISTON na layunin ng kanilang kilos-protesta na ibasura ang PTMP, kanselahin ang forced franchise consolidation, gayundin ang renewal ng mga prangkisa at registrations para sa lahat ng PUV operators, kabilang ang mga hindi nagpa-consolidate, at payagang umatras ang mga pumasok sa franchise consolidation. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author