Naglabas ng warrant of arrest ang Pasig Regional Trial Court (RTC) laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kaugnay ng kasong Qualified Human Trafficking.
Sa apat na pahinang desisyon ni Presiding Judge Annielyn Medes-Cabelis, ipinag-utos din ng Pasig RTC Branch 167 na ilipat si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory mula sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame sa Quezon City.
Nakasaad din sa kautusan ng Korte na lahat ng akusado sa naturang kaso ay hindi maaring mag-piyansa dahil ito ay non-bailable.
Bukod qualified human trafficking, nahaharap din si Guo sa kasong katiwalian sa Valenzuela Court at money laundering complaint sa Department of Justice. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera