dzme1530.ph

Pagtanggap ng payola ng mataas na opisyal ng PNP sa POGO, malaking banta sa seguridad ng bansa

Itinuturing ni Sen. Joel Villanueva na malaking banta sa seguridad ng bansa ang impormasyon na tumanggap ng payola mula sa POGO operations ang pinakamataas na posisyon sa Philippine National Police.

Sinabi ni Villanueva na kung ang pagka-Pilipino ni Guo Hua Ping ay isa nang banta sa seguridad, mas malaking banta aniya ang pagkakasangkot ng isang dating PNP chief sa POGO.

Sa hearing ng Senate Comm. on Women and Children ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa mga POGO, inilahad ni Ret. Gen. Raul Villanueva – VP For Security ng PAGCOR na may Intelligence Information na may dating pinuno ng PNP ang tumanggap ng payola mula sa POGO bukod pa sa tumulong sa pagpapatakas nina Guo.

Hindi naman pinangalanan ni Villanueva ang dating PNP chief dahil nagpapatuloy pa ang balidasyon sa mga impormasyon.

Samantala, ipinaalala ni Hontiveros na nagpapatuloy ang contempt ng Senado laban kay Alice Guo na patuloy ang pag-iwas sa tanong ng mga senador. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author