dzme1530.ph

3 miyembro ng pamilya, patay sa sunog sa Bulacan

Tatlong miyembro ng pamilya ang patay, kabilang ang walong taong gulang na bata, matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Bulakan, Bulacan.

Nangyari ang insidente, alas-3 ng madaling araw kahapon, sa Barangay San Jose.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng isang kwarto.

Tinaya ng mga awtoridad sa ₱1-M ang halaga ng pinsala ng sunog na tumupok din sa E-Bike at Scooter shop ng pamilya.

Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng insidente. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author