Naitala sa pinakamataas nitong lebel ang foreign exchange reserves ng bansa sa nakalipas na mahigit dalawang taon.
Sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat ang gross dollar reserves ng 0.18% o sa 106.92 billion dollars, hanggang noong katapusan ng Agosto.
Kumpara ito sa ₱106.74 billion na naitala hanggang noong katapusan ng Hulyo.
Ayon sa Central Bank, ang month-on-month increase sa Gross International Reserves (GIR) ay repleksyon ng lumaking kita ng BSP sa mga investment sa ibang bansa.
Pinakamataas ang dollar reserves noong Agosto sa loob ng 29 na buwan o simula noong naitala ang 107.3 billion dollars noong March 2022. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera