dzme1530.ph

Mga dahilan ng pagkakaroon ng eyebags at mga paraan para mawala ito, alamin

Ang pagkakaroon ng eyebags ay nagiging karaniwang problema kapag nagkakaedad na.

Pero kung bata pa at mayroon ng eyebags, dapat itong ikabahala dahil magmumukha kang matanda at parating pagod.

Bukod sa Aging, ang isa pang dahilan ng pagkakaroon ng eyebags ay water retention na sanhi ng pagkain ng maalat.

Idagdag pa ang pagpupuyat, paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagbibilad sa araw, at genes.

Ilan sa mga paraan para lumiit ang eyebags ay paglalagay ng teabags sa refrigerator saka ibabad ito sa eyelids o talukap ng mata sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.

Isa pang effective na treatment na madalas makita sa mga palabas ay paglalagay at pagbabad ng slice ng pipino sa mga mata. mayroon kasi itong cooling effect na nagpapaimpis ng pamamaga sa ilalim ng mata.

Maaari ring gumamit ng malamig na kutsarita na inilagay sa ref ng 30 minutes saka ipatong ang curve nito sa eye area sa loob ng 15 hanggang 20 minutes.

 

About The Author