dzme1530.ph

Sandro Muhlach, kinasuhan ng rape ang dalawang GMA contractors sa DOJ

Pormal nang naghain ng reklamo ang aktor na si Sandro Muhlach sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang independent contractors ng GMA.

Nagtungo si Sandro, kasama ang kanyang ama na si Niño Muhlach sa DOJ, kanina, para magsampa ng reklamong rape through sexual assault laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sinabi ng nakatatandang Muhlach na sa wakas ay nakapagsampa na sila ng kaso at magkakaroon na rin ng mga court hearing at kalaunan ay makakamtan na rin nila, lalo na ng kanyang anak, ang hustisya.

Idinagdag ni Niño na bahagyang lumuwag ang kanyang dibdib dahil mabigat sa loob na makita niya si Sandro na araw-araw na nagdurusa, hindi makakain, at hindi makatulog.

Una nang tumugon ang mga respondent sa sexual abuse complaint ng young actor sa pamamagitan ng “absolute denial of all allegations,” ayon sa kanilang abogado. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author