dzme1530.ph

Bilang ng mga rebeldeng sumuko at na-neutralisa ng gobyerno, patuloy na nadaragdagan

Sumirit sa 1,400 ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army ang sumuko at na neutralisa ng Armed Forces of the Philippines mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, ibinida ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na sa nasabing bilang, mayroon ng 1,169 ang sumuko, 101 ang naaresto at 97 ang napatay na rebelde sa military operations.

Mayroon naman 751 firearms, at 237 anti-personnel mines ang isinuko at 165 na mga kuta ng rebelde ang nasamsam ng militar.

Samantala, idinagdag din ni Padilla na sa kapareho ding panahon, nasa 176 local terrorist group members ang na-neutralisa, habang 124 rito ang sumuko, 46 ang napatay at 6 ang naaresto.

Umaapela ang Sandatahang lakas sa mga natitira pang rebelde na sumuko na at magbalik loob sa pamahalaan. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author