dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang adjustment sa housing targets hanggang 2028

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aadjust sa target housing units hanggang 2028, sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program o 4PH.

Sa sectoral meeting sa Malacañang kasama ang mga opisyal ng Dep’t of Human Settlements and Urban Development, inihayag ng Pangulo na dapat masigurong magiging matagumpay at sustainable ang housing program.

Kaugnay dito, inatasan ang mga kaukulang ahensya na i-adjust ang housing targets batay sa needs at demand.

Mababatid na una nang ibinaba ng DHSUD sa tatlong milyon mula sa anim na milyon ang target na maipatatayong housing units sa termino ng Pangulo hanggang 2028, dahil sa iba’t ibang isyu tulad ng matagal na proseso sa bank loans ng housing developers.

Samantala, tinalakay din sa pulong ang sovereign guarantee o ang pag-garantiya ng gobyerno sa private partners na babalik sa kanila ang ipinuhunan sa pabahay projects.

About The Author