Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dep’t of Trade and Industry Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque, bilang acting sec. ng kagawaran.
Ito ay kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni DTI Sec. Alfredo Pascual.
Ayon sa Presidential Communications Office, tinutukan ni Aldeguer-Roque ang mga programa at inisyatibo sa micro, small, and medium enterprises.
Siya rin ang namahala sa operasyon ng Small Business Corp. at Cooperative Development Authority.
Mababatid na epektibo ngayong araw Agosto 2 ang resignation ni Pascual, na nagpasiya nang bumalik sa pribadong sektor.