dzme1530.ph

VP Sara Duterte, hindi nag-iisang tinanggalan ng security detail

Hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang tinanggalan ng security detail ng Philippine National Police.

Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, tatlong linggo na ang nakalilipas nang tanggalan siya ng security ng PNP.

Pero iginiit ni Go na hindi dapat mag-alala ang Bise Presidente dahil kung kakailanganin naman ay mas maraming Pilipino ang handang magbigay ng seguridad sa kanya.

Bilang senador at bilang vice chairman ng public order committee sinabi ni Go na mayroong peligro sa kanilang buhay lalo na sa ginagawa niyang pag-iikot sa kahit saang sulok ng ating bansa.

Pinaalalahanan pa ng senador ang Phillippine National Police na maging tapat sa tungkulin, maging propesyunal, gawin ang tama at huwag magpagamit sa pulitika.

Binanggit pa nito na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isa siya sa nagmungkahi na doblehin ang sahod ng mga pulis.

About The Author