dzme1530.ph

Eroplano ng PAL nag-overshoot sa runway ng Busuanga Airport

Ligtas na naibaba ang lahat ng 53 Philippine Airline passengers at apat na flight crew matapos mag overshoot ang eroplanong sinasakyan nito sa damuhang bahagi ng Busuanga Airport kahapon ng hapon.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna umalis ang PAL flight PR2680 mula Mactan Airport ng 1:44 PM at lumapag ng Busuanga Airport ng 2:51 PM subalit nag overshoot ito sa runway.

Ayon kay Villaluna alas-3:40 na ng hapon, ng maibaba sa eroplano ang mga sakay na pasahero at flight crew.

Humingi ng pasensya at pang-unawa ang pamunuan ng Philippine Airlines sa mga pasaherong sakay ng eroplano matapos ang insidente.

 

About The Author