dzme1530.ph

Israeli boyfriend, ililibing sa kanyang bansa alinsunod sa tradisyon

Iuuwi naman sa Israel ang labi ni Yitshak Cohen, ang kasintahan ng beauty pageant candidate na si Geneva Lopez.

Ayon kay Yaniv, dadalhin nila sa Israel ang labi ng kanyang kapatid na si Yitshak kung saan ito ililibing, alinsunod sa tradisyon ng kanilang bansa.

Sinabi rin nito na nagtungo sa Capas ang kanyang kapatid hindi para bumili ng property kundi para kunin ang titulo ng lupa bilang collateral sa utang na hindi nabayaran.

Naniniwala si Yaniv na may kinalaman sa pera ang pagpaslang sa magkasintahan dahil nasa loans at properties ang negosyo ng kanyang kapatid.

About The Author