dzme1530.ph

Beauty pageant contestant, na-cremate at nakaburol na sa Pampanga

Na-cremate na ang labi ng beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at ibinurol ng kanyang pamilya sa Gate of Heaven Memorial Chapel sa Minalin, Pampanga.

Si Lopez at kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen ay huling nakitang buhay noong June 21 nang magtungo sila sa Capas, Tarlac para tingnan ang property na plano nilang bilhin.

Kabilang sa mga bumisita sa burol ng kandidata ng 2024 Mutya ng Pilipinas-Pampanga ang pamilya ng kanyang kasintahan.

Sa Memorial Chapel, nakalagay sa tabi ng urn na pinaglagyan ng mga abo ni LOPEZ ang kanyang engagement ring na ibinigay ni Cohen, pati na ang kanyang korona, sash, at pares ng sapatos.

Noong Sabado ng umaga ay natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang naaagnas na bangkay sa quarry site sa Barangay Sta. Lucia, sa Capas, at kinumpirma ng NBI na ang mga ito ay ang magkasintahang Lopez at Cohen.

About The Author