dzme1530.ph

Aug. 16, idineklarang special non-working day sa Davao City para sa Kadayawan Festival

Idineklarang special non-working day ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Aug. 16, 2024 sa Davao City.

Ito ay para sa taunang selebrasyon ng Kadayawan Festival at Indigenous Peoples Day kada ikatlong linggo ng Agosto.

Sa Proclamation no. 621, nakasaad na nararapat lamang na mabigyan ng oportunidad ang mamamayan ng Davao City na makiisa sa okasyon.

Dahil tumapat sa araw ng Biyernes ang special non-working day, magkakaroon ng long weekend ang mga taga-Davao City.

About The Author