dzme1530.ph

PBBM, binawi ang paggagawad ng career executive service rank sa graduates ng National Defense College

Binawi ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggagawad ng career executive service (CES) rank sa mga graduate ng National Defense College of the Philippines.

Sa Executive Order no. 63, ipinawalang-bisa ang polisiya sa pagbibigay ng career executive service eligibility and rank sa mga nagtapos sa master in National Security Administration Program ng NDCP.

Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Career Executive Service Board, upang ma-synchronize o mapagsabay-sabay ang standards at procedures ng pagbibigay ng CES rank.

Kaugnay dito, inatasan ang CES Board na bumuo at maglabas ng guidelines para sa epektibong implementasyon ng utos, sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno.

About The Author