dzme1530.ph

June 24, idineklarang special non-working day sa Maynila

Idineklara ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang June 24, Araw ng Lunes, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay para sa paggunita ng ika-453 founding anniversary ng siyudad, o ang Manila Day.

Sa proclamation no. 599 na pirmado ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nakasaad na nararapat na mabigyan ng buong oportunidad ang mamamayan ng maynila na makiisa sa selebrasyon.

Dahil dito, magkakaroon ng long weekend ang mga taga-Maynila hanggang sa Lunes.

About The Author