dzme1530.ph

Pagse-serbisyo at sakripisyo, isinulong ni FL Liza Marcos ngayong Eid’l Adha

Isinulong ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagse-serbisyo at sakripisyo, na layuning ipalaganap ng Eid’l Adha.

Sa kanyang social media post, inihayag ng unang ginang na ito ang magbibigay-daan tungo sa mas matatag na pananampalataya, mas matibay na relasyon sa pamilya, at nagkakaisang komunidad.

Kasabay nito’y sinabi ni Ginang Marcos na kaisa siya ng lahat ng Filipino Muslims sa mundo sa pagdiriwang ng sagradong okasyon.

Samantala, sa mensahe nito ay umaasa ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na ang Eid’l Adha ang mas maglalapit sa mga muslim sa pagmamahalan, pagkakaisa, at pagmamalasakit.

About The Author