dzme1530.ph

Atty. Francisco Rivera, itinalagang bagong GAB Chairman

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Atty. Francisco J. Rivera bilang bagong Chairman ng Games and Amusements Board.

Pinangunahan ni Executive Sec. Lucas Bersamin ang oath taking ni Rivera sa Malakanyang.

Si Rivera ay isang managing partner ng NMGRA Law Firm.

Papalitan niya si GAB Chairman Atty. Richard Clarin.

Ang GAB ang nagsisilbing regulatory at supervisory body sa professional sports sa bansa, na may layuning masawata ang illegal bookies at iba pang iligal na sugal sa Sports and Amusement Games.

About The Author